^

Probinsiya

4 gun-for-hire bulagta sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na kalalakihan na sinasabing miyembro ng gun-for-hire gang ang napaslang makaraang makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya  sa bahagi ng Barangay Centro Northwest, bayan ng Solana, Cagayan kahapon ng hapon.

Sa ulat P/Senior Supt. Gregorio Lim, Cagayan provincial PNP director, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa presensya ng mga armadong kalalakihan.

Kaagad na rumesponde ang pinagsanib na elemento ng 24th Special Action Company, at 2nd Special Action Battalion sa nasa­bing lugar.

Tumagal ang bakbakan ng ilang minuto bago mapa­tay ang apat na kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan.

Narekober sa encounter site ang 2-baby Armalite rifles, dalawang Garand rifle at dalawang cal. 38 revolver.

Walang nasugatan sa mga operatiba ng pulisya na bahagi ng Rapid Deployment Battalion ng Cagayan PNP.

vuukle comment

APAT

ARMALITE

BARANGAY CENTRO NORTHWEST

GARAND

GREGORIO LIM

RAPID DEPLOYMENT BATTALION

SENIOR SUPT

SPECIAL ACTION BATTALION

SPECIAL ACTION COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with