^

Probinsiya

Lola ninakawan, dinedo ng apo

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines– Brutal na kamatayan ang sinapit ng 74-anyos na lola matapos itong pagnakawan ay pinagpapalo pa hangang sa mapatay ng kanyang apo sa Barangay Tagbak, bayan ng Ragay, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto ang bangkay ng biktimang si Anastacia Aclan may sugat sa ulo na sinasabing pinalo ng kahoy.

Samantala, nawawala naman ang apo na si Jolisses Cordero na pinaniniwalaang pangunahing suspek sa krimen. 

Nabatid na inihabilin ng ka-live-in na si Eufracio Cordero, 79, sa kanyang apo ang biktima dahil magtutungo ito sa Naga City.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon na nagkalat ang mga gamit mula sa aparador ng mag-asawang matanda kung saan nawawala ang P150,000 ng biktima. Maging ang mga gamit ng apong lalaki ay nawawala na pinalalagay na tumakas matapos isagawa ang krimen.

 

vuukle comment

ANASTACIA ACLAN

BANDANG

BARANGAY TAGBAK

CAMARINES SUR

EUFRACIO CORDERO

JOLISSES CORDERO

LUMILITAW

NABATID

NAGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with