^

Probinsiya

Triggerman timbog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Nasakote ng pulisya ang isa sa mga tinaguriang triggerman sa ambush slay sa utol ng isang Metro Manila city fiscal noong 2012 sa operasyon sa  kabundukan ng Brgy. Cabisera 9-11, Hacienda San Antonio, Ilagan City kamakalawa.

Kinilala ni Isabela Police Director P/Sr. Supt. Sotero Ramos ang suspek na si Joseph Ariola, 51 anyos, residente sa nasabing lugar.

Dinakip ang suspek base sa  warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder na ipinalabas ni Regional Trial Court Judge Isaac de Alban ng Branch 16 sa Ilagan City. 


Ayon kay Ramos, naunang naaresto ang kasabwat ni Ariola na si Marcelino Cafirma, 44 matapos nilang pagbabarilin sina Edmundo Remudero, 39 at Allan Aguinaldo na kapwa sekyu sa lupain ni Dona Pacita Bautista na pinasok ng mga ito sa Villapaz, ng bayan ng Naguilian noong Abril 26, 2012.


Nagpositibo sa paraffin test si Cafirma habang tumakas at nagtago naman si Ariola.


Si Remudaro ay nakatatandang kapatid ni Manila City Fiscal Florencio Remudaro ng Department of Justice (DOJ). Lumilitaw naman sa imbestigasyon na alitan sa lupa ang motibo ng krimen.

 

ALLAN AGUINALDO

ARIOLA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DONA PACITA BAUTISTA

EDMUNDO REMUDERO

HACIENDA SAN ANTONIO

ILAGAN CITY

ISABELA POLICE DIRECTOR P

JOSEPH ARIOLA

MANILA CITY FISCAL FLORENCIO REMUDARO

MARCELINO CAFIRMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with