^

Probinsiya

Coed ni-rape slay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karumaldumal ang sinapit ng isang 19 anyos na kolehiyala matapos itong gahasain ay paslangin pa sa loob ng tahanan ng kaniyang tiyahin sa Sitio Toloot, Brgy. Poblacion, Sibonga, Cebu kamakalawa.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)7, kinilala ang biktima na si Marygrace Superales, na may bakas pa ng kamay sa leeg na palantandaang sinakal ito ng salarin. 

Bandang alas-10 ng umaga ng madiskubre  ang bangkay ng biktima na may malalim ring saksak sa leeg, nakatabon rito ang duguang kumot, wala ng suot na blouse at short at nakababa ang panty sa kaniyang mga paa. 

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang lala­king kapitbahay ng tiyahin ng biktima matapos itong hindi matagpuan sa lugar ilang oras bago nadiskubre ang krimen. 

Nabatid na ang biktima ay nanunuluyan sa kaniyang tiyahin dahilan malayo ang kanilang tahanan sa bulubunduking Brgy. Basak  mula sa pinapasukan nitong Sibonga Community College  kung saan kumukuha ito ng kursong Education.

Nagkataon umanong naiwang mag-isa ang biktima sa bahay ng tiyuhin at tiyahin nito ng pasukin, halayin at paslangin ito ng salarin kung saan magulung-magulo rin ang buong kabahayan na indikasyong nanlaban ang biktima sa nasabing rapist.

Sa isinagawa namang pagsusuri ni Dr. Ernesto Sariego, Municipal Health Officer sa bangkay ng biktima ay nabatid na walong oras na itong patay ng madiskubre ang krimen.

 

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

DR. ERNESTO SARIEGO

MARYGRACE SUPERALES

MUNICIPAL HEALTH OFFICER

POLICE REGIONAL OFFICE

SIBONGA COMMUNITY COLLEGE

SITIO TOLOOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with