^

Probinsiya

6 NPA rebs patay sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumulagta ang anim na rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ang tropa ng militar

Sa liblib na bahagi ng Purok Santan, Barangay Bobon II sa bayan ng Camiling, Tarlac noong Martes ng gabi.

Sa phone interview, sinabi ni Army’s 703rd Infantry Brigade Comman­der Col. Henry Sabare, rumesponde ang tropa ng 3rd Mechanized Company sa pakikipagkoordinasyon sa lokal na pulisya matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa presensya ng mga armadong rebelde.

Pagsapit sa nasabing lugar ay agad na pinaputukan ng mga rebelde ang tropa ng militar kaya sumiklab ang bakbakan na tumagal ng ilang oras.

Anim sa mga rebelde ang bumulagta sa encounter site sa palayan na hanggang tuhod ang putik.

Nilinaw rin ng opis­yal  na anim lamang at hindi pito tulad ng unang pumutok na balita ang napatay dahil backpack lamang at walang tao ang isang nakuha sa putikan.

Kabilang sa narekober na bangkay ay isang amasona, isang Aeta at apat na kalalakihan.

Wala namang naiulat na nasugatan sa mga sundalo at narekober ang walong malalakas na kalibre ng baril  tulad ng M60 machine gun, M14 rifle, 2-baby Armalite at apat na M16 rifles.

Sinabi naman ni 7th Infantry Division Commander Brig. Gen. Hernando Iriberri na isang malaking dagok sa kilusan ng NPA ang pagkamatay ng anim kung saan pinaniniwalaang ilan ay mga opisyal ng NPA dahil sa narekober na malalakas na kalibre ng armas na tanging ang mga commander lamang ang nagdadala.

AETA

BARANGAY BOBON

HENRY SABARE

HERNANDO IRIBERRI

INFANTRY BRIGADE COMMAN

INFANTRY DIVISION COMMANDER BRIG

MECHANIZED COMPANY

NEW PEOPLE

PUROK SANTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with