^

Probinsiya

8 bandido utas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong sundalo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napaslang habang marami pa ang  nasugatan makaraang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at grupo ng mga bandido sa Cotabato –Isulan Highway sa bayan ng Guindulungan, Maguindanao kahapon ng madaling-araw.

Sa phone interview, sinabi ni Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, bandang alas- 5 ng umaga nang sumalakay at namaril ang BIFF rebs ng oil tanker.

Gayundin, hinaras ng mga rebelde ang mga sasak­yang dumaraan matapos na okupahin ang nasabing highway na nagkokonekta sa General Santos City at Cotabato.

Inatake rin ng mga rebelde ang dalawang Army detachment sa bayan ng Datu Piang kung saan agad namang rumesponde ang Army’s 45th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Donald Homitan kaya sumiklab ang giyera.

Kasunod nito, pansamantalang isinara ang bahagi ng national highway sa Cotabato  habang daang residente naman ang nagsilikas sa takot na maipit sa bakbakan.

Naitaboy na rin sa national highway ang mga rebelde matapos ang clearing operations kung saan tatlong BIFF rebs ang napatay at hindi pa mabilang ang sugatang nagsitakas.

Inihayag pa ng opisyal na 24 oras na nakaalerto ang militar sa Central Min­danao bunga ng serye ng pag-atake ng BIFF na sinasabing tutol sa peace talks sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng gobyerno.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CENTRAL MIN

COTABATO

DATU PIANG

DICKSON HERMOSO

DONALD HOMITAN

GENERAL SANTOS CITY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with