^

Probinsiya

Magkaibigan dinedo ng pulis-Laguna

Michelle Zoleta - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines – Magkasunod na napaslang ang magkaibigang lulan ng kotse makaraang pagbabarilin ng pulis-Laguna sa gilid ng highway sa Barangay Pagsawitan, bayan ng Sta. Cruz, Laguna noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni PO1 Kennedy Ansay ang mga napatay na sina Mariko Zhino ng Barangay Cabanban, Pagsanjan, Laguna; at Jun Palomingue ng Sta. Cruz, Laguna.

Samantala, tugis naman ang suspek na si PO2 Demetrio Rabano ng Pagsanjan PNP.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, bandang alas-9:40 ng gabi nang lapitan at kausapin ng suspek ang isa sa biktimang si Mariko habang ito ay nakaupo sa loob ng kotse (XTT 494) na nakaparada sa gilid ng highway.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, sinasabing pinakikialamanan ng babae ang relasyon ng suspek at misis nito kaya nagtalo.

Ayon sa ilang nakasaksi sa krimen, pumagitna si Jun sa mainitang komprontas­yon ng dalawa kaugnay sa relasyon ng pulis at kasama nitong si Mariko.

Gayon pa man nagkaroon ng komosyon ang pagtatalo kaya nagawang barilin ng pulis ang babae at nadamay ang kasama nitong lalaki.

Kaagad na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo matapos ang pamamaril sa dalawa.

vuukle comment

BARANGAY CABANBAN

BARANGAY PAGSAWITAN

CRUZ

DEMETRIO RABANO

JUN PALOMINGUE

KENNEDY ANSAY

MARIKO

MARIKO ZHINO

PAGSANJAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with