^

Probinsiya

8 na patay sa bistro blast

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumobo na sa walo-katao ang namatay habang nasa 46 naman ang nasugatan sa malagim na pagsabog sa Kyla’s Bistro bar noong Biyernes ng gabi sa Cagayan de Oro City.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Director General Alan Purisima sa press conference sa Camp Crame kasabay  ng pagpapalabas ng cartographic sketch ng tatlong bombers base sa paglala­rawan ng mga testigo.

Sa ibinigay na kumpirmasyon ng Philippine College of Physicians na ipinoste sa twitter, nadagdag sa talaan ng mga nasawi na sina Dr. Marciano Agustin, 47;  at Reynaldo Dalupan, 57, medical representative ng United Laboratories na naunang naideklarang nasa kritikal na kalagayan.

Pinaiimbestigahan rin ni Purisima kung sino ang nag-utos na linisin ang crime scene at bakit hindi kaagad nilagyan ng police line do not cross ang blast site.

Inaalam din ang posibleng pananagutan ng mga pulis matapos hayaan ang may-ari ng bistro bar na ipalinis ang crime scene sa mga kawani nito.

“Dapat ‘yung isang blast area ay hindi ginagalaw, so it seems that the area has been tampered, nalinis na, it is part of our investigation, sino nag-utos ng paglinis,” ani Purisima.

Sa cartographic sketch na inilabas ng PNP base sa pahayag ng testigong si Rube, lumilitaw na katamtaman ang pangangatawan ng bomber na tinatayang nasa 5’5 hanggang 5’6 ang taas, nakasuot ng kayumangging t-shirt, nasa edad 40, at katamtaman din ang kutis. 

Ang isa naman ayon kay Jake Clarino ay 5’4 hanggang 5’5 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, naka-bull cap, nakasuot ng abuhing t-shirt, 36-40 ang edad.

Sa deskripsyon naman testigong si Benjamin Belmonte, ang suspek ay 5’5 hanggang 5’6 ang taas, nakasuot ng kulay kayumangging t-shirt, may edad na 26-30.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Purisima na pala­kasin ang intelligence ga­thering ng pulisya sa lahat ng lugar na may banta ng terorismo.

Kabilang sa mga anggulong sinisilip ay ang posibleng personal na alitan at pananabotahe ng grupong tutol sa peace talks  ng Moro Islamic Li­beration Front (MILF) at ng gobyerno.

Matatandaang niyanig ng pagsabog ang Kyla’s Bistro Bar sa Limkethai Complex sa nasabing lungsod noong Biyernes ng gabi kung saan ang sumabog na bomba ay mula sa inabandonang itim na backpack.

 

vuukle comment

BENJAMIN BELMONTE

BISTRO BAR

BIYERNES

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DR. MARCIANO AGUSTIN

JAKE CLARINO

KYLA

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with