^

Probinsiya

112 nalason sa handa ng DSWD

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Umaabot sa 112 katao ang nalason sa kinaing sinigang na tuna na handang tangha­lian ng isang hotel dito sa pagpupulong na ini-host ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod na ito ayon sa ulat ni Mayor Jefferson Soriano kamakalawa.


Sinabi ni Soriano na 36 sa mga pasyente ang na-confine sa Dr. Ronald Guzman Medical Center at 76 pa ang ginamot doon bilang mga out-patients.


Ayon kay Soriano, nag­reklamo ang mga biktima ng pagkahilo, pagsusuka, pagdudumi, paninikip ng hininga, pananakit ng tiyan at pangangati matapos kumain ng sopas na tuna na inihanda sa kanilang pananghalian ng Hotel Carmelita.


Karamihan sa mga pas­yente ay mga Sagip Pamilya Beneficiaries mula sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Viscaya at ilang kawani ng DSWD.


Ayon kay Dr. Ronald Guzman, 25 sa 36 na pas­yenteng naka-confine ang nakalabas na sa pagamutan nitong Sabado. Samantalang kumuha na rin ng sample ng pagkain ang mga health official upang masuri kung ano ang nakalason sa mga biktima.

 

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DR. RONALD GUZMAN

DR. RONALD GUZMAN MEDICAL CENTER

HOTEL CARMELITA

MAYOR JEFFERSON SORIANO

NUEVA VISCAYA

SAGIP PAMILYA BENEFICIARIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with