^

Probinsiya

Ama pinatay sa harap ng anak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Sabog ang bao ng ulo ng 44-anyos na magsasaka matapos itong pagbabarilin dalawang di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang anak na lalaki sa Barangay Dallao, bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa.
 Kinilala ni P/Chief Insp. Rogelio Taliping ang biktima na si Rolando Mariano Sr. habang tinutugis nang pulisya ang suspek  na si Nestor Panhon at kasabwat nito na hindi nakilala. Nabatid na nagbabantay ang biktima kasama ang kanyang anak na lalaki sa pagawaan ng uling nang lapitan at ratratin. 
Lumalabas sa imbestigasyon na pinuntirya ang nakatatandang Mariano na pinagtulungang pagbabarilin sa ulo sa kabila ng pagmamakaawa at pagtangis ng anak na binata.
 Ayon kay Taliping, paghihiganti ang motibo ng nasabing pamamaslang dahil may matagal nang alitan ang biktima at mga anak ng suspek.


vuukle comment

AYON

BARANGAY DALLAO

CHIEF INSP

ISABELA

KINILALA

LUMALABAS

MARIANO

NESTOR PANHON

ROGELIO TALIPING

ROLANDO MARIANO SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with