^

Probinsiya

Amok: 4 minasaker, 8 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng apat-katao kabilang ang batang babae habang walo naman ang nasugatan matapos pagtatagain ng mister na  naburyong sa bayan ng Padre Burgos, Southern Leyte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Elmer Soria, director ng PNP Regional Office 8, kinilala ang mga napatay na sina Maria Felicilda, 56; Princess Jabonero, 23; Roger Salim, 39; at ang 2-anyos na si Liesly Ann Kaindoy.

Patuloy namang ginagamot sa Salvacion Oppus Yniguez Memorial Provincial Hospital sa Maasin City ang mga sugatang sina Maximo Palero, 56; Georgie Jabonero, 15; Aiza Salim Kaindoy, 24; Genara Chu, 47; Zenaida Aguelo, 62; Joyjoy Senselia, 18; Love Joy Acabo, 21; at si April Rose Salim, 13.

Arestado naman ang suspek na si Mark Junie Telen alyas Tambalan ng Barangay Cantutang sa nasabing bayan.

Bago ang insidente ay uminom muna ng ilang tagay ng alak si Telen saka kinuha ang matalim nitong itak, pinasok ang mga bahay ng kapitbahay at pinagtataga ang mga biktima bandang alas-7 ng gabi.

Pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu ang suspek kaya nagawa ang krimen.

 

vuukle comment

AIZA SALIM KAINDOY

APRIL ROSE SALIM

BARANGAY CANTUTANG

CHIEF SUPT

ELMER SORIA

GENARA CHU

GEORGIE JABONERO

JOYJOY SENSELIA

LIESLY ANN KAINDOY

LOVE JOY ACABO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with