^

Probinsiya

P200,000 reward vs killer ng DENR official

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

STA. ANA, Cagayan, Philippines – Nakahanda ng ipagkaloob ng Regional Executive Director ng Department of Environment and Natural Resources sa Region II ang ipinangakong P200,000 reward kasunod ng pagkakaaresto kamakalawa sa tinaguriang gunman sa pagpatay sa kanilang kasamahan noong Pebrero  2011 sa Sanchez Mira, Cagayan.

Ayon kay Director Benjamin Tumaliuan, siniguro ng ingat-yaman ng kanilang samahan na si Forester Marlon Agnar na Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) ng Tuguegarao City na maaaring mailabas ang pondo anumang oras.

Ang reward ay ipinahanda ni Tuma­liuan matapos ang balita ng pagkakadakip sa Cauayan City, Isabela kama­kalawa sa suspek na si Adorable Caliga, 28 na tubong Claveria, Cagayan.
Si Caliga ang siyang itinurong pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay kay Forester Melania Dirain na Community Forest Specialist ng DENR sa loob ng kanyang opisina habang nakikipag-usap ang opisyal sa tele­pono noong Pebrero 7, 2011. 

Ayon kay Isabela Police Director Sr. Supt. Sotero Ramos, nadakip ni Chief Insp. Pilarito Malillin, hepe ng pulisya ng San Mateo si Caliga sa liblib na lugar sa Brgy. Villa Concepcion.

 

ADORABLE CALIGA

AYON

CAUAYAN CITY

CHIEF INSP

COMMUNITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICER

COMMUNITY FOREST SPECIALIST

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DIRECTOR BENJAMIN TUMALIUAN

FORESTER MARLON AGNAR

FORESTER MELANIA DIRAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with