Parak timbog sa extortion
Rizal, Philippines — Isang pulis na inireklamo ng extortion ang inaÂresto ng kanyang mga kabaro sa isinagawang entrapment operation sa isang restaurant sa Brgy. San Jose, Antipolo City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Manuel Placido, hepe ng Antipolo City Police, ang suspek na si PO3 Harold Solano Pulero na nakatalaga sa Highway Patrol Group (HPG) sa Camp Crame.
Inaresto si Pulero matapos itong ireklamo ng isang tinukoy na Gng. Robles, 62, na umano’y kinokotongan ng P30,000 ni Pulero para sa kanyang certificate of non-recovery of motor vehicle.
Nag-ugat ang reklamo matapos na makarnap ang saÂsakyan ni Robles noong nakaraang taon at kailanganin nito ng naturang certificate para sa insurance claim.
Naaktuhan naman ng mga tauhan ni Placido na tinaÂtanggap ni Pulero ang halagang P30,000 na nakasilid sa isang envelope sanhi upang arestuhin siya ganap na alas-9 ng umaga.Ang suspek ay nahaharap na ngayon sa kasong robbery extortion.
- Latest