Engkuwentro sa Maguindanao: 7 patay
MANILA, Philippines - Limang miyembro ng pasaway na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at dalawang sundalo ang nasawi matapos na muling magsagupa ang dalawang grupo sa Guindulungan, Maguindanao nitong Sabado ng umaga.
Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na pag-atake ng BIFF, ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa tropang gobyerno na lantarang binaleÂwala ang Ramadan ng mga Muslim.
Ayon kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Dickson Hermoso dakong alas-9:15 ng umaÂga nang harangin ng mga armadong grupo ni BIFF Commander Ameril Umbra Kato ang tropa ng 2nd Mechanized Battalion sa Crossing Bungo ng Brgy Kateman ng bayang ito.
Sinabi ni Hermoso na nagkaroon ng putukan na tumagal ng 15 minuto na ikinasugat ng dalawang sundalo at ilang saglit pa ay pinaputukan naman ng BIFF lawless groups ang KM450 truck ng naturang tropa.
Bandang alas-9:20 naman ng umaga nang makasagupa ng tumutugis na puwersa ng mga sundalo ang 20 BIFF rebels habang papatakas.
Sa kasagsagan ng putukan ay nasawi ang lima sa BIFF habang nagtamo ang mga ito ng maraming sugatan habang sa panig ng mga kawal ng pamahalaan ay dalawa naman ang nasawi at apat pa ang nasugatan. Hindi muna tinukoy ng opisyal ang mga pangalan ng mga nasawi sa tropa ng gobyerno dahilan kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.
Isinugod naman sa Camp Siongco Station Hospital sa himpilan ng Army’s 6th Infantry Division sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang mga sugatang sundalo. Nananatili namang nakaalerto ang tropang gobyerno upang supilin ang paghahasik ng karahasan ng BIFF rogue elements.
- Latest