^

Probinsiya

3 dalagita ni-rape ng ama

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines- Napariwara ang kinabukasan ng tatlong magkakapatid na dalagita makaraang gahasain ng kanilang ama sa Barangay Poblacion sa bayan ng San Francisco, Quezon, kamakalawa ng gabi.

 Pansamantalang kinukupkop ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktimang may edad na 12, 11 at 10 habang nakapiit naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Magno, 37.

Sa inisyal na imbestigasyon ng San Francisco PNP isinagawa ng suspek ang panghahalay dakong alas-10 ng gabi habang magkakatabi silang natutulog sa bahay.

Hindi na nakapagsuplong sa mga awtoridad ang biktima makaraang pagbantaang sasaktan kaya malayang nailugso ng buhong na ama ang panghahalay sa kanyang mga anak sa harapan mismo ng kanilang ina. Uulitin pa sana ng suspek ang kabuhungan nito  subalit nakatakbo palabas ng bahay ang isa sa tatlo at nagsumbong sa mga barangay official na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MAGNO

NAPARIWARA

PANSAMANTALANG

QUEZON

SAN FRANCISCO

SUSPEK

UULITIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with