^

Probinsiya

2 nilikida sa loob ng kotse

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan na bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang sibilyan ng di-kilalang lalaki sa loob ng kotse sa panulukan ng Pasong Bayog sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga.

Napuruhan sa ulo ang dalawang biktimang sina Cader Abdul at Asmin Dimasar na kapwa nakatira sa Barangay Salitran 2 sa nasabing lungsod.

Sa police report nanakrting kay P/Chief Insp. Fermel Dela Cruz, nakaupo ang dalawa sa loob ng kotse (PTJ 153) nang ratratin ng di-kilalang lalaki na nakaupo naman sa likurang upuan ng kotse.

May teorya ang pulisya na magkakilala ang mga biktima at gunman kung saan hindi nagkasundo sa di nabatid na transakyon kaya naganap ang pamamaril.

 

ASMIN DIMASAR

BARANGAY BUROL MAIN

BARANGAY SALITRAN

CADER ABDUL

CAVITE

CHIEF INSP

DASMARI

FERMEL DELA CRUZ

PASONG BAYOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with