Misis, lover pinatay; mister nag-suicide
MANILA, Philippines - Love triangle ang itinuturong dahilan matapos na pagsasaksakin at maÂpatay ng isang mister ang kaniyang misis at hinihinalang kalaguyo bago ito nag-suicide sa madugong insidente sa Brgy. Palinta, Kabasalan, Zamboanga Sibugay kamakalawa.
Sa phone interview, kinilala ni SPO1 Rex Subibi ng Kabasalan Police, may hawak ng kaso ang mga nasawing biktima na sina Gladys Nadila, 26 anyos, umano’y lover nitong si Ricky Suan, 28 taong gulang at nag-suicide na mister ng ginang na si Reneboy Nadila, 41 taong gulang.
Si Gladys ay nagtamo ng limang mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, si Suan ay isang malalim na saksak sa likod na tumagos sa puso nito at si Reneboy ay itinarak ang patalim sa dibdib; pawang dead-on-the-spot sa insidente.
Ayon sa imbestigasyon, sinabi ni Subibi dakong alas-8:25 ng umaga ng naganap ang insidente sa bahagi ng highway ng Brgy. Palinta, Kabasalan matapos na harangin ng nasabing mister ang habal-habal (Honda 125 XRM) na sinasakyan ng misis nito at ni Suan sa nasabing lugar.
Agad kinompronta ng naninibughong mister na umano’y matagal ng tumutugaygay sa kaniyang misis ang asawa at sa gitna ng pagtatalo ng mga ito ay sinaksak ang nasabing babae.
Nagtatakbo naman sa matinding takot ang driver ng habal-habal na si Rommel Medrano kasunod si Suan pero hinabol ito ni Reneboy at sinaksak sa likod na tumagos sa puso nito kung saan sa kabila ng duguan ay tinangka itong pigilan ng kaniyang sumisigaw na misis na pinagsasaksak muli ng galit na suspek.
Nang mabatid na patay na ang kaniyang misis ay nag-suicide naman ang suspek matapos na itarak sa dibdib ang patalim.
- Latest



















