^

Probinsiya

3 bulagta sa killer truck

Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Tatlo-katao kabilang na ang magka-live-in ang iniulat na namatay  matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa  trailer truck sa hangganan ng Sta. Rosa City at Biñan City sa Laguna kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni SPO3 Danny Gargano ng Sta Rosa City PNP ang magka-live-in na sina Napoleon Benbeneto ng Barangay Banay-Banay, Cabuyao, Laguna at Shanhai Fan at ang kaangkas na si Decerie Macawili, kapwa nakatira sa bayan ng General Trias, Cavite.

Base sa police report, binabagtas ng tatlo ang kahabaan ng highway patungong bayan ng Cabuyao sakay ng motorsiklo nang aksidenteng bumangga sa kasalubong na trailer truck (WES-543) pagsapit sa boundary ng dalawang nabanggit na lungsod bandang alas- 10:30 ng gabi.

Tumilapon ang mga biktima ng ilang metro ang layo hanggang sa mabangga pa uli  ng hulihang bahagi ng trailer truck.

Idineklarang patay sa Mt. Sinai Hospital ang magka-live-in habang namatay naman sa Sta. Rosa Community Hospital ang driver ng motorsiklo.

Nakatakas naman ang driver ng truck na pag-aari ng Transprovider and Business Development Corporation.

Samantala, umapela naman ang mga kaanak ng biktima sa may-ari ng truck at sa mga nakakakilala sa driver na agad na isuko ito  para mabigyang hustisya ang  mga biktima.

vuukle comment

BARANGAY BANAY-BANAY

CABUYAO

DANNY GARGANO

DECERIE MACAWILI

GENERAL TRIAS

MT. SINAI HOSPITAL

NAPOLEON BENBENETO

ROSA CITY

ROSA COMMUNITY HOSPITAL

SHANHAI FAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with