^

Probinsiya

Negosyante todas sa holdaper

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Isa na namang negosyante ang napaslang matapos pagbabarilin ng apat na holdper na lulan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Tabe, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon. Namatay habang ginagamot sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Ferdinand Quiambao 35, ng Barangay Balite sa San Fernando City, Pampanga habang nakaligtas naman ang dalawang kasama ng trader na sina Johnny Duracan, 46, ng Dingalan, Aurora; at Merlie Velasquez, 38, ng Angeles City, Pampanga. Sa imbestigasyon ni P01 Irwin Joy Yuson, pabalik na sa kanilang barangay ang biktimang lulan ng Toyota Vios (UQB-339) kasama ang dalawang tauhan matapos itong mag-withdraw ng malaking halaga sa sangay ng banko sa bayan ng Balagtas, Bulacan nang dikitan ng dalawang motorsiklo. Dito na pinagbabaril ang sasakyan ang biktima kung saan napuruhan ito kaya tuluyang sumalpok sa punung kahoy pagsapit sa nasabing barangay. Hindi naman tinangay ng mga armadong kalalakihan ang bag na naglalaman ng malaking halaga dahil na rin sa presensya ng mga residente.

 

vuukle comment

ANGELES CITY

BARANGAY BALITE

BARANGAY TABE

BULACAN

BULACAN MEDICAL CENTER

FERDINAND QUIAMBAO

IRWIN JOY YUSON

JOHNNY DURACAN

MERLIE VELASQUEZ

PAMPANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with