^

Probinsiya

Coed pinilahan sa kubo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit ng 18-anyos na kolehiyala matapos itong pilahan ng tatlong kalalakihan sa bakanteng kubo sa  bahagi ng Butuan City, Agusan del Norte noong Biyernes ng gabi.

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang halos hindi makagulapay na biktimang itinago sa pangalang Jessa, 3rd year college sa Saint Joseph Institute of Techology at residente sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur.

Arestado naman ang tatlong suspek na sina Zcyl Jay Tecson, Jeron Paronda at si James Lesther Lagaret na pawang nakatira sa Purok 1A, Barangay Ampayon sa nasabing lungsod.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na inimbitahan ang biktima ng kanyang kaibigang si Tecson na gumimik.

Nakipag-inuman naman kay Tecson at dalawa pa nitong barkada ang biktima kung saan ay nalango at nakatulog sa bakanteng kubo.

Gayon pa man, nang makatulog na ang dalaga ay pinasok ito ni Tecson kasunod ang dalawang suspek at sinimulang halayin.

Kasunod nito,  gumapang palabas ang dalaga at humingi ng tulong sa kapitbahay ni Tecson na sinamahan ito sa himpilan ng pulisya.

 

vuukle comment

AGUSAN

ARESTADO

BARANGAY AMPAYON

BUTUAN CITY

CAMP CRAME

JAMES LESTHER LAGARET

JERON PARONDA

SAINT JOSEPH INSTITUTE OF TECHOLOGY

TECSON

ZCYL JAY TECSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with