^

Probinsiya

2 CAFGU itinumba ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng CAFGU ang nasawi matapos na paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Magsaysay, Davao del Sur nitong Huwebes ng hapon.

Ang mga nasawi ay sina Nelson Caballero at Lemuel Modesto, 35 anyos; pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Captain Raul Villegas, Deputy Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, naitala ang pana­nambang ng mga rebeldeng NPA sa bisinidad ng Brgy. Malawanit  ng bayang ito dakong alas-3:15 ng hapon.

Ang dalawang biktima ay wala sa combat operation at nakasibilyan matapos mamalengke at pabalik na sa kanilang patrol base sa ilalim ng Army’s 72nd Infantry Battalion sa Brgy. Bacungan, Magsaysay nang paulanan ng bala ng mga rebelde.

Ang mga rebelde ay natukoy namang mula sa grupo ng NPA Committee Front 74 na pinamumunuan ni Jojo Bulahing alyas Commander Bunso.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebelde na respon­sable sa pananambang.

vuukle comment

BRGY

CAPTAIN RAUL VILLEGAS

COMMANDER BUNSO

COMMITTEE FRONT

DEPUTY SPOKESMAN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOJO BULAHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with