^

Probinsiya

Sutil na anak inutas ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang sinasabing sutil na anak na babae matapos na tarakan ng patalim sa leeg ng 80-anyos na tatay dahil sa mainitang pagtatalo sa Barangay Pencisa Lamaya, bayan ng Sergio Osmeña Sr. sa Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Erlinda Calunsag, 36, habang sumuko naman ang suspek na si Mateo Solis, biyudo, na sinamahan sa himpilan ng pulisya ni Chairman Rodolfo Omandam.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagkainitan ang matanda at ang manugang nitong si Eddie Calunsag hanggang sa kampihan ng biktima ang asawa kung saan pinagmumura rin ang ama nito.

Ayon kay P/Insp. Jaime Tanola, deputy Officer-in-Charge ng Sergio Osmeña PNP, sinipa ng mag-asawa ang matanda at binato pa ito.

Dito na nagtatakbo ang matanda  subalit hinabol pa rin ng mag-asawang Calunsag para gulpihin.

Sa puntong ito ay binunot ng matanda ang patalim na nakasukbit sa baywang at nang sugurin ng anak na babae ay tinarakan nito sa leeg kung saan sumirit pa ang dugo habang nagawa namang makatakbo palayo ng mister nito.

AYON

BARANGAY PENCISA LAMAYA

CAMP CRAME

CHAIRMAN RODOLFO OMANDAM

EDDIE CALUNSAG

ERLINDA CALUNSAG

JAIME TANOLA

MATEO SOLIS

SERGIO OSME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with