^

Probinsiya

Mister napatay sa sayawan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Napatay sa sayawan ang 46-anyos na mister habang ang kanyang misis naman ay malubhang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala ng baril mula sa dalawang grupo ng kalalakihan na nagbarilan kahapon ng madaling-araw sa Barangay Maihao, bayan ng Cawayan, Masbate. Idineklarang patay sa Cawayan District Hospital ang biktimang si Gerry Betache, magsasaka at sugatan naman si Judita Betache, 47. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Geor Delos Santos, Johnrey Ursal, at si Robert Ursal na pawang nakatira sa Barangay Begia. Nabatid na nagsasayaw ang mag-asawa sa plaza dahil sa kapistahan nang sumiklab ang barilan ng magkalabang grupo na sinasabing kapwa supporter ng magkalabang kandidato noong nakalipas na eleksyon.

vuukle comment

BARANGAY BEGIA

BARANGAY MAIHAO

CAWAYAN

CAWAYAN DISTRICT HOSPITAL

GEOR DELOS SANTOS

GERRY BETACHE

JOHNREY URSAL

JUDITA BETACHE

LEGAZPI CITY

ROBERT URSAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with