^

Probinsiya

Lalaki pinugutan ng ulo, 2 paa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng isang hindi pa nakilalang lalaki matapos itong pugutan ng ulo at mga paa saka isinilid sa plastic ng basura na natagpuang itinapon sa kahabaan ng Southern Luzon Expressway (SLEX) sa Brgy. Pulo, Cabuyao City, Laguna kahapon ng umaga.

Ayon kay CALABARZON Police Director P/Chief Supt. Benito Estipona, dakong alas-5:57 ng umaga ng madiskubre ni Nilo Piong, maintenance sa SLEX ang bangkay ng nasabing lalaki sa nasa­bing lugar.

Sinabi ng  opisyal, nakita ni Piong ang ‘garbage bag’ sa kahabaan ng SLEX na inakala nitong basura ang laman at kaagad na binuksan na ikinagulantang nito ng matuklasang pugot ang ulong bangkay na tinanggalan pa ng paa ang laman nito. 

Nabatid na ang bangkay ay isang lalaki na nakasuot lamang umano ng brief ng matagpuan sa lugar. 

Pinaniniwalaan namang ang nasabing lalaki ay biktima ng summary execution na itinapon lamang ang bangkay sa lugar upang ilihis ang imbestigasyon ng mga awtoridad. 

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa kasong ito upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing lalaki gayundin ang motibo ng pamamaslang.

 

vuukle comment

AYON

BENITO ESTIPONA

BRGY

CABUYAO CITY

CHIEF SUPT

KARUMALDUMAL

NILO PIONG

POLICE DIRECTOR P

SOUTHERN LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with