^

Probinsiya

Misis inutas ni mister, lover kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang 45-anyos na misis habang nasa kritikal namang kalagayan ang lover nito matapos pagbabarilin ng kanyang mister dahil sa matinding panibugho kamakalawa ng umaga sa bisinidad ng Barangay Salaan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Napuruhan sa ulo ang misis na si Victoria Alejandro habang patuloy na nakikipaglaban kay kamatayan sa Zamboanga City Medical Center  ang lover nitong si Angelo Alvarez.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspek na si Elvin Alejandro na sinasabing hiniwalayan ng misis bago ito nakipag-live in kay Alvarez.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Ariel Huesca, spokesman ng police regional office 9, bandang alas-9:30 ng umaga nang sugurin at pagbabarilin ng suspek ang kanyang misis at lover nito sa Zone 2.

Nabatid na umabot sa sukdulan ang panibugho ng suspek matapos itong hiwalayan ng kanyang misis noong Pebrero 2013.

Mas lalong sumiklab ang galit ng suspek nang mabalitaan nito na nakipag-live-in na ang biktima sa nasabing lalaki na sinasabing mas bata at maskulado kaysa kaniya.

Dahil sa hindi makaya­nang pangungutya ng mga kapitbahay ay nagtanim ng matinding panibugho ang mister hanggang sa ilagay sa kanyang kamay ang batas.

 

vuukle comment

ALVAREZ

ANGELO ALVAREZ

BARANGAY SALAAN

BULAGTA

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

ELVIN ALEJANDRO

VICTORIA ALEJANDRO

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with