^

Probinsiya

5 sundalo tinamaan ng kidlat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang sundalo ng Phil. Army ang iniulat na nasugatan matapos tamaan ng kidlat  ang command post sa Barangay Chua, bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Martes ng hapon.

Kabilang sa mga nasugatang sundalo ay sina Captain Joseph Andog, Sergeant Wilmer Walid Asis, Sergeant Larry Naranjo, Corporal Edzel Cabatuan at si Private First Class Jack Indap.

Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Philippine Army, bandang alas-4 ng hapon  nang tamaan ng kidlat ang kubo na may radio antenna ang bubungan na kinaroroonan ng mga biktima.

Sa lakas ng tama ng kidlat ay hinimatay sina Andog, Naranjo at Indap habang nakaramdam naman ng pamamanhid ng binti si Cabatuan.

Agad namang isinugod sa ospital sa bayan ng Sto.Niño, South Cotabato ang mga biktima na nagtamo ng mga sunog sa katawan.

Nabatid na ang mga biktima ay bahagi ng 16th Field Artillery Battalion na idineploy upang magmonitor sa  illegal logging.

Sa pinakahuling report, nakalabas na sa pagamutan ang tatlo sa limang sundalo habang patuloy na inoobserbahan sina Andog at Cabatuan na kapwa idineklarng nasa ligtas na kalagayan.

 

ANDOG

BARANGAY CHUA

CABATUAN

CAPTAIN JOSEPH ANDOG

CORPORAL EDZEL CABATUAN

FIELD ARTILLERY BATTALION

PHILIPPINE ARMY

PRIVATE FIRST CLASS JACK INDAP

SERGEANT LARRY NARANJO

SERGEANT WILMER WALID ASIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with