^

Probinsiya

2 tiklo sa P.2M ari-arian

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang dalawang kawani ng telecom company makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa kasong pagnanakaw sa Barangay Tabang, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rex Lepiten, 28; at Bryan Ignacio, 29, kapwa nakatira sa Brgy. Sta. Rita at mga kawani ng AG Magno Construction and Telecom Company na sub-contractor ng Globe Telecom.

Ang mga suspek ay inireklamo ng dalawang security team ng nasa­bing telecom company na sina Jon-Jon Masiclat at Jeumar Mendoza matapos madiskubre ang modus operandi ng dalawa.

Nabatid na kinukuha ng mga suspek ang mga expired na kontrata ng modem ng mga subscri­bers saka ipapare-activate sa mga kasabwat na technician kung saan muling ibebenta sa murang halaga sa mga residente sa Guiguinto at Malolos City, Bulacan.

Kaagad namang inila­tag ang entrapment operation kung saan nasakote ang mga suspek sa loob ng mall

Kung saan narekober  ang dalawang multicab, 28 yunit ng modem, at iba’t ibang gamit na nagkakahalaga ng P.2 milyon.

BARANGAY TABANG

BRYAN IGNACIO

BULACAN

GLOBE TELECOM

GUIGUINTO

JEUMAR MENDOZA

JON-JON MASICLAT

MAGNO CONSTRUCTION AND TELECOM COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with