^

Probinsiya

Kawani ng DSWD kinatay sa panghahalay

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang 29-anyos na kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sinasabing naaktuhan sa panghahalay matapos itong pagtatagain ng 15-anyos na lalaki sa Barangay Bollilising sa bayan ng Villaviciosa, Abra noong Martes ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Davy Vicente Limmong, ang napatay na si John Paul Barbero ng Barangay Apappaya sa nabanggit na bayan habang naaresto naman ang suspek na itinago sa pangalang Vic.

Base sa police report, tinangkang halayin ni Barbero ang 21-anyos na utol na babae ng suspek sa bakanteng kubo na imbakan ng tabacco sa Sitio Las-ud sa  nasabing barangay.

Gayon pa man, duma­ting ang suspek kung saan naaktuhan nito si Barbero habang sinisibasib ng halik ang kaniyang ate na itinago sa pangalang Sheena na nakikipagpambuno sa manyakis na pinupuwersa itong hubaran para gahasain.

Nabatid sa ulat na si Sheena na sinasabing casual employee ng Medicare Hospital ay matagal na umanong pinagpapantasyahan ni Barbero.

Dito sumiklab ang galit ng binatilyo kung saan kumuha ng bagong hasang itak saka pinagtataga si Barbero na nakadagan sa kaniyang umiiyak na kapatid.

vuukle comment

ABRA

BARANGAY APAPPAYA

BARANGAY BOLLILISING

DAVY VICENTE LIMMONG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JOHN PAUL BARBERO

MEDICARE HOSPITAL

SHEENA

SITIO LAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with