^

Probinsiya

Ama inutas sa harap ng anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na napaslang ang 36-anyos na ama matapos itong pagsasaksakin ng kanyang nakaalitan sa harap mismo ng kanyang anak sa Barangay Marsolo sa bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Malam Adlo na nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib. Nagimbal naman ang anak nitong si Lowie Adlo, 8, matapos na masaksihan ang pagpatay sa kaniyang ama. Ayon sa imbestigasyon, naglalakad pauwi ang mag-ama nang makasalubong ang nakaalitang kapitbahay pagsapit sa harapan ng bahay ni Sedra Bulawan. Agad na niyakap ng suspek ang biktima saka biglang inundayan ng saksak sa dibdib. Tugis naman ng pulisya ang suspek na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

 

vuukle comment

AMA

AYON

BARANGAY MARSOLO

KINILALA

LOWIE ADLO

MALAM ADLO

NAGIMBAL

SEDRA BULAWAN

TUGIS

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with