^

Probinsiya

Rape suspect tumalon sa patrol car, utas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang  isang suspek na  inaresto sa kasong rape slay ng 8 anyos na batang babae matapos tumalon sa sinasakyang mobile ­patrol car habang patungo sa himpilan ng pulisya sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba ang nasakoteng suspek na si Luca Lloren Galas Jr., 42 anyos, residente ng Brgy. Bayugan II, San Francisco.Bago ito, inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang suspek dakong alas-11:45 ng gabi noong Miyerkules matapos matunton ang pinagtataguan nito sa Brgy. San Miguel, Compostela Valley, apat na buwan matapos itong makagawa ng karumaldumal na krimen.

Gayunman, matapos isailalim sa dokumentasyon at inisyal na imbestigasyon ay ibiniyahe na ang suspek na ineskortan kamakalawa ng hapon ng mga operatiba ng San Francisco Police patungo sana sa kanilang himpilan ng tumalon ito sa tumatakbong mobile patrol car pagsapit sa highway ng Brgy. Wasian, Rosario, Agusan del Sur. Idineklara namang dead-on-arrival sa D.O. Plaxa Hospital ang biktima sanhi ng pagkabagok ng ulo.

Sa tala si Galas, ay isa sa mga most wanted na kriminal sa bayan ng San Francisco na may warrant of arrest sa panghahalay at pagpatay sa isang 8 anyos na batang babae na itinapon pa ang bangkay sa may sapa ng Brgy. Bayugan II, San Francisco noong Enero 15 ng taong ito.

 

vuukle comment

AGUSAN

BAYUGAN

BRGY

COMPOSTELA VALLEY

LUCA LLOREN GALAS JR.

MARTIN GAMBA

PLAXA HOSPITAL

POLICE SPOKESMAN SUPT

SAN FRANCISCO

SAN FRANCISCO POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with