^

Probinsiya

Pulis nakuryente sa kampo, dedo

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Patay ang 32-anyos na pulis makaraan itong makuryente sa loob ng kampo ng pulisya sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Batangas PNP director P/Senior Supt. Rosauro Acio, kinilala ang nasawing biktima na si PO2 Carlo Bryan Laid, nakatalaga sa Nasugbu PNP. Sa ulat ni P/Supt. Jeremias Aglugub, hepe ng Nasugbu PNP, abala si PO2 Laid sa isasagawang powerpoint presentation nang biglang mag-brownout sa Camp Jose Razon sa Barangay Bilaran bandang alas-9:30 ng gabi. Dahil dito ay nagtungo ang biktima sa guardhouse upang ayusin ang linya ng kuryente. Gayon pa man, biglang nabagsakan ng live wire ang biktima na nagkataon namang nagkailaw kaya nakuryente ito. Nagawa pang maisugod sa pagamutan subalit idineklarang patay ang biktima.

 

vuukle comment

BARANGAY BILARAN

BATANGAS

CAMP JOSE RAZON

CARLO BRYAN LAID

DAHIL

GAYON

JEREMIAS AGLUGUB

NASUGBU

ROSAURO ACIO

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with