Misis inaway ng mister, nagbigti
RIZAL , Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang misis na inaway ng kanyang mister matapos itong magbigti sa kanilang tahanan sa bayan ng San Mateo, Rizal, kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10:30 ng gabi nang madiskubre ang biktimang si Vicky Narciso na nakabitin sa kisame ng kanilang tahanan sa Barangay Dulong, Buhay One sa nabanggit na bayan. Huling namataang buhay ang biktima nakikipagkuwentuhan sa ilang kapitbahay kaugnay sa hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang asawa. Ayon sa mister na si Venus Narciso na nagkataasan sila ng boses ng asawa kung saan pumasok na siya sa trabaho ngunit hindi akalaing sa kanyang pag-uwi ay bangkay nang daratnan ang misis.
- Latest























