Pulis todas sa pagbabantay sa PCOs
MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang pulis habang sugatan ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng apat na mga armadong kalalakihan habang abala sa pagbabantay ng mga Precinct Optical Scan (PCOs ) machine sa isang voting center sa Borongan City, Eastern Samar nitong Sabado ng umaga.Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Chief Supt. Elmer Soria, kinilala ang nasawing biktima na si PO1 Agerico Afable, dead-on-the-spot sa insidente. Nasugatan naman ang brgy. tanod na si Glicerio Gema habang masuÂwerteng nakaligtas ang isa pang barangay tanod na si Ronnie Besana na nagpanggap na patay sa insidente.
Ayon kay Soria, naganap ang pag-atake ng mga armadong suspek sa pagitan ng alas-3:49 hanggang alas-4 ng madaling araw kung saan pinaputukan ng mga ito ang PNP-Barangay Patrol Assistance Team (BPAT) security team na nakatalagang bantay ng mga PCOs sa voting precinct sa Brgy. Calingatngatan, Borongan City.
Ang mga salarin ay mabilis na nagsitakas na tinangay pa ang armas at uniporme ni PO1 Cesar Yu. Hindi naman ginalaw ng mga suspek ang mga PCOs machine sa loob ng naturang voting center.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM na siyang ginamit ng mga salarin.
- Latest