^

Probinsiya

Ambush: 2 sundalo sa convoy ng Comelec dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang dalawang sundalo habang limang iba pa ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tropa ng militar na nag-escort sa mga makina ng precinct count optical scan at Comelec officer sa Barangay Bagumbayan, Tabuk City sa Kalinga kahapon ng umaga.

Sa phone interview, sinabi ni  Lt. Col. Loreto Magundayao, spokesman ng Army’s 5th Infantry Division, patungong bayan ng Libuangan ang tropa ng Army’s 17th Infantry Batta­lion at ilang PNP personnel nang tambangan ng mga rebelde dakong alas-9:30 ng umaga.

Sa ulat naman ni Kalinga provincial PNP director P/Senior Supt. Froilan Perez, kinilala ang mga nasawing sundalo na sina  Corporal Wilfredo Bacacao at Corporal Allen Pattaguan.

Kabilang naman sa mga sugatan ay sina Pfc Delfin Goyagoy, S/Sgt. Rico dela Cuesta, Sgt. Wayne Aguinaldo, T/Sgt. Herminigildo Vergara, T/Sgt. Constante Alupani  at si Sgt. Michael Adducul.

Nabatid na ang mga PCOS machine at ang mga Comelec officer ay nasa unahan ng convoy kasunod ang service vehicle ng PNP at nasa hulihan naman ang Army vehicle.

Umalingawngaw ang ilang minutong putukan hanggang sa magsi­atras ang mga rebelde na sinasabing isasabotahe ang halalan sa nasabing lalawigan.

Gayon pa man, walang nasugatan sa mga Comelec officer kung saan maa­yos namang nakarating sa destinasyon ang mga PCOS machine at iba pang election paraphernalia na gagamitin sa eleksyon.

BARANGAY BAGUMBAYAN

COMELEC

CONSTANTE ALUPANI

CORPORAL ALLEN PATTAGUAN

CORPORAL WILFREDO BACACAO

FROILAN PEREZ

HERMINIGILDO VERGARA

SGT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with