Bahay ng mag-asawang lider ng kandidato, niratrat
NUEVA ECIJA, Philippines – GiniÂsing ng mga putok ng baril ang mag-asawang lider ng kandidato makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihang lulan ng motorsiklo ang kanilang bahay sa Barangay Concepcion, bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw.
Gumapang patungo sa kusina para sa kanilang kaligtasan ang mag-asawang Kagawad Leody Bactat, 44; at Luzviminda Bactat ng Barangay Concepcion at political leader ni re-electionist Zaragoza Mayor Lovella Belmonte-Espiritu.
Nakaligtas din ang kanilang mga anak at kasambahay.
Nagkabutas-butas naman sa pamamaril ang tindahan ng mag-asawa habang sa kanilang pintuan ay nag-iwan ng envelope ang gunmen na nakasaad ang katagang - “Ito ang mangyayari sa lahat ng namimili at nagbibili ng boto, lalaki man o babae. Nakikiramay kami sa iyong naiwanan dahil lamang sa kasuwapangan mo sa pera.â€
Gayon pa man, itinanggi ni Kagawad Bactat ang nakasaad sa liham at sinabing harassment ito sa kanya ng mga kalaban sa pulitika.
- Latest