NPA attack vs mining company: 10 patay
MANILA, Philippines - Sampu ang nasawi kabilang ang limang sundalo matapos na makaengkuwentro ang may 30 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na sumalakay sa isang mining company sa Brgy. Camindangan, Sipalay City, Negros Occidental, ayon sa opisyal kahapon.
Sa phone interview, sinabi ni Captain Leo Christopher Cunanan, Spokesman ng Army’s 303rd Infantry Brigade, ang limang mga nasawing sundalo ay pawang enlisted personnel na hindi muna tinukoy ang mga pangalan dahilan kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya. Dalawa rin sa tropa ng militar ang nasugatan.
Ayon kay Cunanan , may na ulat rin na nasa limang rebelde rin ang napaslang na tinangay ng mga nagsitakas nilang kasamahan bagaman kasalukuyan pa itong beneberipika.
Bandang alas-9 ng gabi nitong Biyernes nang umatake ang mga rebelde sa Philex Mining Corporation sa Sitio Omas, Brgy. Camindangan, Sipalay City at sinunog ang dalawang bunkhouse o barracks ng mga empleyado, isang Kubota tractor at drilling machine, isang generator set, ilang computer, Icom radio at mga personal na kagamitan.
Nitong Sabado, bandang alas- 7:40 ng umaga ay agad namang nagsagawa ng hot pursuit opeÂration ang tropa ng mga sundalo at nakasagupa ang grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Ang bakbakan ay tumaÂgal ng halos isang oras na ikinasawi ng lima sa tropang gobyerno habang pinaniniwalaan ring marami pa ang mga nasugatan base sa mga bakas ng dugo sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.Nagawa namang mataÂngay ng mga rebelde ang anim na mga baril ng mga sundalo. Patuloy naman ang pagtugis ng tropa ng militar laban sa naturang grupo ng mga rebelde.
- Latest

















