Pagbawas sa kahirapan tututukan
BULACAN, Philippines - Pagbawas sa kahirapan at pagpapalawak ng kalusugan ang pangunahing tututukan ni Doc Pete Mendoza sakaling mahahalal bilang congressman ng 2nd distrito ng Bulacan. Sisiguruhin niyang matulungan ang mga mahihirap sa distrito na kasama sa 73,683 maralitang pamilya na iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay Mendoza, personal niyang tututukan na magkaroon ng sapat na suporta para sa patubig, pabinhi, pataba at pagkain o ‘4Ps’ ang mga magsasaka ng ikalawang distrito upang mas dumami ang kanilang ani at mas lumaki ang kanilang kita. Bubuhayin din niya ang mga cottage industries para mas marami ang magkaroon ng hanapbuhay at pagkakataon na makautang ng puhunan o iba pang tulong mula sa national government. “Para naman sa mga tricycle driver, magtatayo tayo ng mga kooperatiba sa distrito para matulungan sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng mas murang pagkain at bilihin o suliranin sa kanilang hanapbuhay,†dagdag pa ni Mendoza.
- Latest