^

Probinsiya

40 baril nasamsam sa alkalde

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 40 malalakas na kalibre ng baril ang nasamsam matapos na salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang tahanan ng incumbent mayor sa bayan ng Pulupandan, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Sa bisa ng search warrant  na ipinalabas ni Judge  Maria Filomena  Singh ng Quezon City Regional Trial Court, sinalakay ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Camp Crame sa pamumuno ni P/Senior  Supt. Keith Singgian at ng Special Action Force ang tahanan ni Mayor Magdaleno Peña sa Barangay Ubay.

Kabilang sa mga nasamsam ay 31-shotgun, pitong AK-47, at dalawang M16 rifles.

Arestado naman sa ope­rasyon ang dalawang pulis na sina PO2 Pedrito Dupo at SPO1 Vicente Castillo  na nakasibilyan at tumatayong security guard sa compound ng hacienda ng nasabing alkalde.

Ayon naman kay PNP-CIDG director P/Chief Supt. Francisco Uyami Jr., si Ma­yor Peña na dating mister ng actress na si Plinky Recto ay wala naman sa tahanan ng isagawa ang raid.

vuukle comment

BARANGAY UBAY

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FRANCISCO UYAMI JR.

KEITH SINGGIAN

MARIA FILOMENA

MAYOR MAGDALENO PE

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with