Bahay ng Mayoralty candidate sa Isabela, pinaulanan ng bala
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patuloy na lumalala ang tensyon sa pulitika sa Isabela matapos ratratin ng mga hindi pa nakikilalang suspects ang bahay ng isang Mayoralty candidate sa bayan ng San Mateo, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang Mayoralty candidate na si Santos Villamar na kalaban ni incumbent Mayor Cristina Agcaoili.
Ayon sa pulisya, masuÂwerteng walang nasaktan sa mga supporters ni Santos nang sugurin ng mga hindi pa nakikilalang armado ang bahay at campaign headquarters nito dakong alas-9:30 ng umaga.
Si Santos na kasalukuyang Konsehal sa bayan ay tumatakbo laban kay Agcaoili na misis ng kasalukuyang Vice Mayor na si Roberto Agcaoili na dati ring Mayor ng San Mateo.
Matatandaan na tatlong bahay din ng mga campaign supporters ng mga tumatakbong Mayor sa kalapit bayan ng Luna ang niratrat ng mga armado.
Ang San Mateo at Luna ay kapwa nasa Distrito 3 ng Isabela na pinaglalabanan din nina Congressman Pol Dy at dating Vice Governor Ramon Reyes.
- Latest