^

Probinsiya

Stude nagbigti dahil sa panlalait ng 2 guro

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines  â€“ Nalalagay sa balag ng ala­nganing masibak sa trabaho at makulong ang dalawang guro na isinasangkot sa pagpapakamatay ng 16-anyos na mag-aaral na kanilang nilait at ipinahiya sa mga tao sa Barangay Allasitan, bayan ng Pamplona, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Pepito Mendoza, hepe ng Pamplona PNP ang dalawang akusado na sina Teodora Dayao, 4th year high school adviser; at Guidance Counselor Ailene Asuncion na kapwa guro sa Sanchez Mira School of Arts and Trades.

Ayon pa kay Mendoza, bukod sa kasong child abuse na naisampa sa Department of Justice, nahaharap din ang dalawang guro sa kasong administratibo na isinampa sa kanila sa Office of the Ombudsman.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ipinatawag ng mga akusado ang batang si John Ace Manuel sa tanggapan ni Chairman Edward Yague noong Abril 12 para kumprontahin sa hindi nito pagbabayad ng mga obligasyon at utang sa paaralan.

Habang hinihintay ang ama ng biktima, namutawi ang masasakit na salita mula sa dalawang guro laban sa 16-anyos na biktima na sinasabing kahit aso ay hindi masikmura.

Sinabi ni Mendoza na humagulgol pa ang biktima pagdating ng kanyang ama kung saan isinumbong ang panlalait na salita ng mga guro.

Hindi naman inakala ng mga magulang na may masamang epekto sa kanilang anak ang naranasan kanilang binatilyong anak na magbigti kinagabihan.

BARANGAY ALLASITAN

CHAIRMAN EDWARD YAGUE

DEPARTMENT OF JUSTICE

GUIDANCE COUNSELOR AILENE ASUNCION

JOHN ACE MANUEL

MENDOZA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PAMPLONA

PEPITO MENDOZA

SANCHEZ MIRA SCHOOL OF ARTS AND TRADES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with