^

Probinsiya

Ama dinedo sa kasal ng anak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Bulagta ang 44-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa araw ng selebrasyon ng kasal ng anak nitong lalaki sa Barangay Simanu Norte, bayan ng San Pablo, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez ang biktima na si Daniel Azurin na sinasabing pabalik na sana sa pi­ging ng anak matapos maghatid ng bisita sa kalapit nayon nang tambangan. Tadtad ng bala ng baril ang biktima nang matagpuan ng mga bisitang napasugod matapos umalingawngaw ang sunud-sunod na putok sa madilim na bahagi ng kalsada. Matatandaan na noong Enero 13, pinabulagta din si Chairman Victor Soriano ng Barangay San Vicente  sa gitna ng sayawan sa kapistahan ng nasa­bing bayan. Pinaniniwalaan ng pulisya na may bahid-pulitika ang mga nabanggit na pagpatay.

vuukle comment

BARANGAY SAN VICENTE

BARANGAY SIMANU NORTE

BULAGTA

CHAIRMAN VICTOR SORIANO

DANIEL AZURIN

ENERO

ISABELA

KINILALA

SAN PABLO

VICENTE VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with