Mayor Guingona sugatan sa ambush
MANILA, Philippines - Sugatan ang misis ni ex-Vice President Teofisto GuinÂgona na si GiÂngoog City Mayor Ruth L. GuinÂgona habang daÂlawa nitong tauhan ang iniulat na nasawi matapos tambaÂngan ng mga rebeldeng New Peoples Army sa bahagi ng BaÂrangay Binakalan, Gingoog City, Misamis Oriental, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/Supt. Bernardo Mendoza, intelligence officer ng Misamis Oriental PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga napaslang na sina Bartolome Velasco, driver; at Nelson Velasco, bodyguard ni Mayor Guingona at utol ni Bartolome.
Sugatan namang naisuÂgod sa ospital si Mayor GuinÂgona matapos tamaan ng bala ng baril sa ibabang bahagi ng kanang tuhod at ang police escort na si PO3 Rolando Venaverito.
Si Mayor Guingona na hindi lumahok sa May 13 mid-term elections sa anumang posisyon ay taliwas sa ulat ng NPA na tumatakbong muli sa mayoralty race.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang panaÂnambang bandang alas-10 ng gabi habang papauwi ang mga biktimang lulan ng Toyota Hilux.
Nabatid na dumalo sa coronation night sa kapistahan ng barangay sa Alagataan ang grupo ni Mayor Guingona nang tambangan ng mga armadong rebelde.
Samantala, kinondena naman ni Pangulong Benigno Aquino III at pamunuan ng AFP ang bayolenteng pag-atake sa convoy ni Mayor Guingona kung saan patunay lamang na mga kriminal ang mga rebelde at walang pinagkaiba sa grupo ng teroristang Abu Sayyaf na walang laÂyunin kundi ang maghasik ng karahasan.
Kinumpirma naman ni CPP-NPA-NDF North Central Mindanao spokesman Jorge Madlos alyas Ka Oris, ang nasabing panaÂnambang ng kanilang tropa sa Front Committee 4-B ng Misamis Oriental.
Nilinaw din ni Ka Oris na hindi nila tinambangan ang convoy ni Mayor Guingona bagkus ang mga police escort ang unang nagpaputok habang nagsagawa ng checkpoint ang kanilang mga kasamahan.
- Latest