^

Probinsiya

Lider ng mayoralty candidate, itinumba

Juancho Mahusay - Pilipino Star Ngayon

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Philippines – Isang kagawad ng barangay, na lider sa kampanya ng isang mayoralty candidate ang binaril at napatay sa harap ng misis nito sa bayan ng Victoria ng lalawigan kamakalawa.

Sa ulat ng Oriental Min­doro Police, kinilala ang biktima na si Amado Umali, 55, kagawad at dating brgy. chairman sa Brgy. Loyal sa bayan ng Victoria ng lalawigan. Ang biktima ay dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa ulo.

Nabatid na si Umali ay isang malayong kamag-anak ni Oriental Mindoro Governor Alfonso V. Umali, Jr. at pinsan at lider pa ng kandidato ng Nacionalista Party sa pagka-alkalde ng bayan ng Victoria na si Lito Malabanan. 

Bandang alas-8 ng gabi ng barilin ang biktima ng mga  suspek na nakasuot ng fatigue at armado ng M16 rifle  sa loob mismo ng tahanan nito sa Sitio Core Housing, Brgy. Loyal, Victoria dakong alas-8 ng gabi. Ang krimen ay nasaksihan pa ng misis at mga anak ng biktima.

Pinaniniwalaang pulitika ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

AMADO UMALI

BANDANG

BRGY

LITO MALABANAN

NACIONALISTA PARTY

ORIENTAL MIN

ORIENTAL MINDORO GOVERNOR ALFONSO V

SITIO CORE HOUSING

UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with