^

Probinsiya

Sadistang ama todas sa anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa sukdulan ang galit ng 23-anyos na anak matapos na pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang sariling amang sadista na tinalo nito sa duelo sa Barangay Isio, bayan ng Cauayan, Negros Occidental kama­kalawa.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Lowell Garinganao, hepe ng Cauayan PNP na isinumite sa Camp Crame, nahaharap ngayon sa kasong parricide ang suspek na si Randy Bargamento.

Kinilala naman ang nasawing ama na si Esteban Bargamento, 48, nagtamo ng mga tama ng saksak sa likurang bahagi ng katawan at dibdib habang ang suspek ay nagtamo naman ng saksak sa kamay.

Nabatid na bandang alas-5 ng hapon nang muling magwala ang barumbadong ama na nasa impluwensya ng alak.

Pinakalma naman ito ng kanyang anak na lalaki dahil akmang sasaktan na naman ang kaniyang ina at mga kapatid na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bumunot ng patalim ang amang sadista kaya napilitan ang anak nito na humagip ng panaksak at nilabanan ang ama.

Palibhasa’y senglot ay nanaig ang lakas ng batang Bargamento na bagaman tinamaan ng saksak sa kamay ay tinalo sa duelo ang ama na napatay nito.

Lumilitaw na tuwing malalasing ang ama ay kalimitan nitong sinasaktan ang ina ng suspek at maging silang magkakapatid.

Wala namang bahid ng pagsisisi  ang suspek sa pagkakapatay sa sadista nitong ama dahil napalaya niya sa kalbaryo ng kanilang pamilya.

AMA

BARANGAY ISIO

CAMP CRAME

CAUAYAN

ESTEBAN BARGAMENTO

LOWELL GARINGANAO

NEGROS OCCIDENTAL

RANDY BARGAMENTO

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with