^

Probinsiya

Hanjin Village pinasinayanan ni Binay

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines – Pinangunahan ni Vice President Jejomar Binay ang inagurasyon ng  Hanjin Heavy Industries & Construction Co., Ltd. – Philippines, Inc. (HHIC-Phil Inc.)  housing project para sa mga trabahante nito sa kanilang Subic shipyard.

Sampung buwan pa lang ang nakalipas simula noong mag- ground breaking noong July 2012, pinangunahan ni Bise Presidente Binay ang hosuing project na 300 pabahay na nasa loob ng 30-ektaryang lupa sa Sitio Nagbayto, Brgy. Nagbunga sa bayan ng Castillejos, Zambales, na  tinaguriang “ Hanjin Village.” Nabatid na aabot sa 2,000 kawani ng Hanjin ang maninirahan sa Hanjin Village kapag natapos ang Phase 1 at Phase 2 na patatayuan ng tig-1,000 housing units.

Ang 30-ektaryang lupa na kinatatayuan ng Hanjin village ay ibinigay ng libre sa mga trabahador ng Hanjin kaugnay ng Corporate Social Responsibility (CSR) program nito.

Ikinatuwa naman ni Binay ang regalo ng Hanjin sa mga trabahente. “ Salamat ng marami, Hanjin. Dahil ibinibigay ng Hanjin ang lupa sa mga manggagawa nito, ang babayaran na lamang nila ay ang mismong bahay.” 

Ayon kay Binay, hindi matatawaran ng kahit sino ang benepisyo na naipapamahagi ng Hanjin sa Zambales sa paglikha ng libu-libong trabaho kasama na rin sa ekonomiya ng Pilipinas bilang top exporter ng Subic Bay Freeport Zone.

Pagkatapos ng talumpati, ibinigay naman ni Binay ang ceremonial keys sa mga shipyard workers na si Gregorio Regaspi(1 -bedroom unit), Angelina Abad (2 -bedroom unit), at (3- bedroom unit) Eunice Labios, lahat ay nagtatrabaho sa shipbuil­ding subcontractor na Subic Shipbuilder Corporation (Sushicor) Pinasalamatan naman ni HHIC-Phil President Jin Kyun Ahn si Bise Presidente Binay sa pagsuporta sa Hanjin village sa pama­magitan ng Pag-Ibig fund kung saan hindi na kaila­ngan magbigay ng downpayment ang mga manggagawa ng Hanjin, at makakamit pa ng mababang interest rates, at presyong hindi mapapantayan sa merkado.  Magpapatayo din ng libreng iskwelahan, multi-purpose hall, bus terminal, playground, at iba pang imprastruktura ang Hanjin para sa ikabubuti ng mga manggagawa, pahayag pa ni Presidente Ahn.

ANGELINA ABAD

BINAY

BISE PRESIDENTE BINAY

CONSTRUCTION CO

CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY

EUNICE LABIOS

GREGORIO REGASPI

HANJIN

HANJIN VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with