^

Probinsiya

Pastor pinabulagta ng tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Bumulagta ang 40-anyos na pastor ng Church of Christ na tumatayong  coordinator din ng Kabagis Partylist matapos itong barilin ng riding-in-tandem assassins  sa harapan ng kanyang asawa at kausap na pastor sa Laoag City, Ilocos Norte kahapon ng umaga.

Nalagutan na ng hi­ninga pagdating sa Governor Roque Ablan Memorial Hospital si Pastor Macario Campanano ng Barangay Tagipuro sa bayan ng Bangui.

Sa ulat na nakarating kay SPO4 Ramelito Piedad na nakikipag-usap ang biktima sa kapwa niya pastor kaharap ang kanyang asawa sa kanilang inuupahang apartment sa Fariñas Street sa Barangay 9 nang bigla lapitan at barilin sa batok na naglagos sa panga ng pastor saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

Ayon sa misis ng biktima na si Mina, wala siyang alam na maaaring may masamang balak sa kanyang mister kung saan sinasabing supporter din ito ng mga pulitiko.

Sinasabing isa  sa mga sinamahan at sinuportahan ng biktima ay si dating Ilocos Norte Governor Michael Keon na umatras sa kandidatura sa mayoralty race sa Laoag City.

Pinaniniwalaang may bahid politika ang pagpatay kay Campanano Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY TAGIPURO

CAMPANANO DAGDAG

CHURCH OF CHRIST

GOVERNOR ROQUE ABLAN MEMORIAL HOSPITAL

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE GOVERNOR MICHAEL KEON

JOY CANTOS

KABAGIS PARTYLIST

LAOAG CITY

PASTOR MACARIO CAMPANANO

RAMELITO PIEDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with