^

Probinsiya

Search and rescue sa missing mountaineer

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang search and rescue operation sa  nawawalang mountaineer na umakyat noon pang Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) sa sinasabing binabalot ng misteryong Mt. Maculot sa Batangas.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang pinaghahanap na mountaineer na si Victor Joel Ayson.

Huling nakitang buhay ang biktima noong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay na bumili pa ng mineral water sa tindahan na binaon nito sa pag-akyat sa matarik na Mt. Maculot.

Bandang alas-2:30 ng hapon ay iniwan pa ni Ayson ang dala-dalahan nito sa stopover ng mga mountaineer sa Poblacion 7 sa bayan ng Cuenca , Batangas

Ang dala-dalahan ni Ayson ay nasa pag-iingat naman ng apo ng guide na si Manuel Atienza sa nasabing stopover.

Gayon pa man, noong Martes ay nag-alala ang mga magulang ni Ayson dahil hindi pa ito umuuwi na kung saan inilunsad ang search and operations kabilang na ang UP mountaineer pero hanggang kamakalawa ng gabi ay bigong matagpuan ang nawawalang mountaineer.

Sa paniniwala ng mga matatanda sa lugar, binabalot ng hiwaga ang bundok Makulot na  may naninirahang mga engkanto at laman-lupa na kapag may napagtripang mga napapagawi indibidwal ay inililigaw.

AYSON

BANDANG

BATANGAS

CAMP CRAME

EASTER SUNDAY

LINGGO

MANUEL ATIENZA

MT. MACULOT

PAGKABUHAY

VICTOR JOEL AYSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with