^

Probinsiya

Estudyante lunod sa lawa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na naisalba ang buhay ng 15-anyos na estud­yante matapos itong malunod sa Lake Calibato, Barangay Sto. Angel sa San Pablo City, Laguna kamakalawa. Kinilala ni Laguna PNP director P/Senior Supt. Pascual Munoz Jr., ang biktima na si Noah Casingal ng Barangay Antipolo. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7:50 ng umaga nang magkatuwaan ang biktima at tatlo pa nitong kaibigan na maligo sa nasabing lawa. Gayon pa man, ilang minuto pa lamang nakalipas ay nagkakawag  na ang biktima sa gitna ng lawa kung saan tuluyang nilamon ng  malakas na agos ng tubig. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ng Laguna ang biktima pero idineklara na itong patay.

BARANGAY ANTIPOLO

BARANGAY STO

CAMP CRAME

GAYON

KINILALA

LAKE CALIBATO

NOAH CASINGAL

PASCUAL MUNOZ JR.

SAN PABLO CITY

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with