^

Probinsiya

2 lider ng extortionist gang, 1 pa utas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang wanted na lider ng notoryus na Muslim Lawless Group (MLG) at isa sa aide ng mga ito ang napaslang matapos makasagupa ng tropa ng mga sundalo sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Major Edgardo Amores, Spokesman ng Army’s­ 1st Infantry Division (ID) unang napatay sa bakbakan si  Amih Andi; kilabot na lider ng MLG sa lalawigan na ma­tagal nang pinaghahanap ng batas at kanang kamay nitong si Ambak Magusan alyas Imbok. 

Ang pagkasawi ng dalawa  ay kinumpirma  ni Lt. Col Yegor Rey Barroquillo Jr., Commander ng Army’s 44th Infantry Battalion (IB) ma­tapos ituro ng kanilang mga asset na inilibing na nitong Biyernes Santo ng umaga sa Barangay Pampang, La­puyan, Zamboanga del Sur.

Bandang alas-5:40 noong Huwebes Santo, habang nagsasagawa ng security patrol ang tropa ni Barroquillo at ng lokal na pulisya nang maka­sagupa ang grupo ni Andi sa liblib na lugar sa Brgy. Danganan, Lapuyan ng lalawigan.

 Nitong Biyernes Santo ng umaga ay muling sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng pinagsanib na elemento ng pu­lisya at militar laban sa grupo ng mga suspek na nangha-harass sa mga residente sa may dalampa­sigan ng Barangay Tibalgo, Margosatubig, Zamboanga del Sur.

Nagkaroon ng ilang minutong putukan na ikinasawi naman ng isa pang lider ng MLG extortionist na kinilalang si Rasul Manguda. 

 

AMBAK MAGUSAN

AMIH ANDI

BARANGAY PAMPANG

BARANGAY TIBALGO

BIYERNES SANTO

COL YEGOR REY BARROQUILLO JR.

HUWEBES SANTO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with