Mayor, nagbayad ng PTC fee sa NPA
MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganin si Bingawan, Iloilo Mayor Matt Palabrica na napaulat na nagbayad ng permit to campaign (PTC) fees sa mga rebeldeng New People’s Army kaugnay ng mid term elections sa Mayo 2013.
Ayon kay P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., police regional office-6 director, sakaling mapatunayang may katotohanan ang sinasabing pagbabayad ng PTC fees sa NPA ni Palabrica ay mahaharap ito sa kasong kriminal at administratibo.
Nabatid na isang miyembro ng media sa Western Visayas ang nag-report na si Mayor Palabrica ang kauna-unahang kandidatong opisyal ng lokal na pamahalaan na nakatanggap ng PTC demand letter ng NPA sa Region VI na nagbayad sa mga rebelde.
Sinasabing hindi nabigyan ng police security escort si Palabrica kaya sinamantala ng mga rebelde upang puwersahin itong magbayad ng PTC fee.
Nilinaw naman ni Cruz na wala siyang natatanggap na request mula sa nasabing alkalde sa pagÂhingi nito ng security escort.
Maging si P/Senior Supt. Gil Blando Lebin, director ng Iloilo police office ay hindi rin nilapitan ng alkalde para sa security escort nito. Joy Cantos
- Latest